Isang mabunga ,mapayapa, malusog at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan ngayong taong 2021 ang hangad ni Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez. Hindi lamang sa komunidad ng sports, kundi sa buong sambayanang Pilipino.
Sadyang malaki ang ekspektasyon ng lahat para sa kanilang leaders lalo sa panahon ng pangangailangan at krisis.
Isa si Ramirez sa magiting na nanindigan sa kanyang nasasakupan sa sports community ng bansa at hindi niya pinabayaan ang ating mga pambansang atleta at coaches partikular sa kasagsagan ng pandemya na literal na nagpatigil sa mundo sa aspeto ng kalusugan at kabuhayan.
Bagama’t sa unang bugso ng salot na virus ay nahirapan si Chairman na pag-hugpungin ang puno’t dulo at paghigpit ng sinturon, sa kalaunan ay naipadama niya ang kanyang tugon upang saklolohan ang mga apektado ng krisis sa kanyang nasasakupan sa komunidad ng palakasan. Naging malaking hamon ang pagtigil ng operasyon ng pinagkukunang PAGCOR.
Dahil sa naturang krisis- mundial para sa pondo ng PSC sa mga programa buong taon ng naturang government sports agency.
Sa kapit-bisig na pagtutulungan, inaprubahan at naihabol sa national budget ng Kongreso ang kaukulang pondo ng ahensiya sa pagsisikap din nina Congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino(POC president), Speaker noong si Cong. Alan Peter Cayetano sa House of representatives at Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go (Senate Committee on Sports head) at sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay din ng pagbubukas ng operasyon ng PAGCOR na unti-unting nag-akyat ng revenues upang mapondohan na muli ang mga kaukulang resipiyenteng sangay ng pamahalaan para sa tao kabilang na ang PSC.
Naibalik ang 100% na allowances ng lahat ng mga atleta na nasa timon ng PSC (athletes/coaches) at may lakip pa na ayuda bawat isa na naging isang maligayang pamasko sa lahat ng konsernado sa Philippine Sports.
Sa kanyang pamumuno ay nag-extend ng helping hands ang PSC para sa mga atletang naapektuhan din ng sunud-sunod na kalamidad dulot ng mga bagyong nananalasa bansa.
Dahil sa kalinga at malasakit na ipinadama ng Ramirez leadership sa sports ay malaking pasasalamat ang hatid nila sa PSC at bilang sukli ay ang pag-angat pa ng kanilang determinasyong makapagbigay ng karangalan sa bansa.
“Mabuti na lang si Chairman Ramirez ang pinuno ng PSC sa panahon ng pandemya at kalamidad. Maraming salamat Sir Butch, President Duterte at sa ating Panginoon dahil di kami napabayaan,” sambit ng mga atletang ayaw nang pabanggit ng pangalan. Ngayon ay nakatuon na ang PSC, POC, Kongreso,NGO’s, pambatong atleta, coaches, officials, media sambayanan at ang Duterte administration; sa pagtupad ng misyong posibleng tagumpay ng Pilipinas para sa lalahukang Tokyo Olympics sa Japan at 31st Southeast Asian Games sa Vietnam na parehong ngayong taong 2021 idaraos ang kaganapan.
Tiniyak ni Ramirez na hangga’t siya ang pinuno ng PSC ay gagawin nito ang buong makakaya para sa kapakanan ng atleta ng bansa meron man o walang krisis at hangad niya ang isang maaliwalas ng 2021 na dulot nito sa sambayanan.
“Our families, all athletes and coaches and sports will be safe from virus and diseases and enjoy our humanity,” mensahe ng naging academician ng athlete/coach ng Ateneo de Davao University bago naging lingkod.-bayan sa nasyunal na aspeto.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE