November 18, 2024

Wish ni Hollywood Martial Arts Supreme Grandmaster De Gourville..SIKARAN MAGING MEDAL EVENT SA OLYMPICS

BUMISITA sa Pilipinas ang pamosong Hollywood Martial Arts Supreme Grandmaster Prof.Frank de Gourville mula Estados Unidos upang personal na saksihan ang  tradisyunal grassroot martial arts event na SIKARAN Invitational Tournament nitong nakaraang weekend sa Mandaluyong City.

Ang naturang eksperto sa combat sport ng Los Angeles Police Department( LAPD) at nakasama sa action films  nina hollywood stars Bruce Lee,Chuck Norris,Jim Kelly at iba pa  na si De Gourville ay lubos na humanga sa angking natural na talento at entusiyasmo ng Pilipino martial artists partikular ang mga kabataang estudyante na kanyang nasaksihan sa school campus tours na isinagawa sa Cainta,Taytay ,Pasig ,

Mandaluyong at iba pang competition venues sa Metro Manila kaagapay si Chairman Patingo.

Ani De Gourville,ang Sikaran ( orihinal na larangang sining marsyal mula Pilipinas) ay nasa antas na ng kalidad ng taekwondo,karate,judo,jujitsu wrestling at iba pang combat sport na inilalaro na sa world at Olympics .

   Kaya marapat lang na sa madaling hinaharap ay may Sikaran na rin sa Olimpiyada aniya.

 ” If there is taekwondo from Korea,judo and karate from Japan,sikaran from the Philippines must be also recognized and played in the Olympics”,pahayag ni 10th degree blackbelter supreme grandmaster De Gourville kang saan aniya ay pinaka-ideyal na  mailaro ang Sikaran sa 2029 Los Angeles Olympics.

  Magiging realidad ang  naturang wish ni De Gourville sa political will ng mga konsernadong pinuno ng Sikaran at sports leader sa bansa ma Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

  Optimistiko si De Gourville na ang SIKARAN na itinatag ni GSF ( World) Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag ay magiging mina ng gintong medalya sa international competitions tulad ng SEAGames,Asiad at maging sa Olympics kung papalarin bigyan ng rekonisyon ng biggest sports spectacle sa buong daigdig.