May 13, 2024

PANIBAGONG BATCH NG MGA PDL, LUMAYA NGAYON

MAHIGIT 400 na inmates ang pinalaya ng Bureau of Corrections ngayong araw.

Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Catapang Jr., karamihan sa 416 na lumayang PDLs   ay mga mas nakakabata kumpara sa mga naunang nakalaya na sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinaksihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapalaya sa mga nasabing inmate.

Ayon sa kalihim, buwan-buwan ay magpapalaya  ng mga inmates bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanilang paglisan sa piitan, ang  mga PDL ay pinabaunan ng grooming kit at  ng transportation allowance.

Ikalawang pagkakataon na ngayong 2023 na nagpalaya ng mga inmate ang BuCor.