Inihayag ni Willie Revillame kahapon na di siya kakandidato sa 2022 national elections. Pinag-isipan ito ng actor-host kaya atras siya sa pagka-kandidato.
Katunayan, may special message si Kuya Wil kaugnay dito na na-ere sa ‘Wowowin’ kahapon. Medyo mahaba-haba ang statement niya na nakaantig ng puso ng mga televiewers. Naglabas din siya ng saloobin tungkol sa politika.
Sambit pa niya, mababa lang ang kaalaman at di nakapagtapos ng pag-aaral. Wala rin siyang sapat na knowledge sa paggawa ng bill at batas. Na siyang trabaho sa lehislatura o ng mga senators.
” Marami akong mga kaibigan na kinausap. Marami akong mga taong tinatanong, nagtanong-tanong, at pinapakiramdaman. Yung management, ordinaryong tao, kasama ko sa programa, lahat. All walks of life,” aniya.
“Hindi ko pa kayang gumawa ng batas. Sa ngayon ay magpapatuloy ang ‘Wowowin’ dahil itong programa ko ay ginawa para magpasaya at magbigay pag-asa sa sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY