
Aalis na si Willie Revillame sa Kapuso network dahil matatapos na ang kanyang contract ngayong buwan. Mamapaso na sa Feb. 15 ang kontrata nito. Ang last airing naman ng ‘ Wowowin’ ay sa Feb. 11, araw ng Biyernes.
Ayon sa GMA, kinumpirma nilang di na-extend ng kontrata ang veteran host at aktor.
“We wish him good luck in his future endeavors,” post ng Kapuso network sa kanilang FB page.
May lumitaw naman na speculations na di nag-renew si Willie ay dahil lilipat ito sa Channel 2. Na ngayo’y hawak ni dating Sen. Manny Villar ang frequency. Ito ay ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS).
Lalo na’t nakita ang dalawa sa isang photo na pinost ng kaibigan ni Willie na si Efren Syyap sa FB page nito.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA