Hindi pa nga opisyal ang kanilang laban sa lona, lumabas na talo na si Anthony Joshua, 31, kay Tyson Fury, 32.
Bagama’t wala pa ring venue at date ng kanilang boxing bout, naitalang bigo siya sa tinaguriang ‘Gypsy King”. Ito ay dahil sa naiba ang Wikipedia page record ni Joshua.
Hinala ng iba, binago ng boxing fans na mga taga-hanga ni Fury ang impormasyon sa wikipage ng boxer.
Nakalagay doon na natalo si Joshua via knockout kay Fury sa Round 7. Nakataya sa laban ang undisputed heavyweight king pati ang kanilang title belts.
Kaya ang resulta, naging 24-2, 22 KO’s na ang record ni Joshua. Samantalang 31-0, 22 KO’s na ang kay Fury.
Ang nakalagay namang petsa nang laban nila ay July 10 at sa Wembley Stadium ang venue.
Kaugnay dito, inihayag ni Fury na binan siya ng Wikipedia dahil sa pagbabago ng record ni Wladimir Klitscho. Ito’y bago ang laban nila noong 2015.
Kaugnay sa ‘altering o records’ Bumuhos naman ang comment at opinion ng fans sa sa social media. Anila bahagi ito ng mind games at taktika ni Fury.
“Tyson is using every trick in the book to unsettle Joshua ffs,” ani ng isang fan sa Twitter.
“It’s probably Fury‘s mind games.”
“Must have been the time traveller. Best get some money on it,” ani ng isa.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo