September 20, 2024

WENDEL RAMOS, NAGPOKUS MUNA SA TATLO NIYANG NEGOSYONG ITINAYO

Waiting si Wendel Ramos sa taping nang ‘Prima Donnas’ Book 2, isa itong afternoon drama series ng GMA-7, hanggang wala pa siyang call sa work nito sa Kapuso Network.

Nagpokus muna si Wendel sa tatlong negosyo niyang itinayo sa Cebu. Sa May 22, 2021 ang launch nito sa City Sports Club.

Tatlong investments ang aasikasuhin ni Wendel at nang kanyang asawang si Kukai Ramos. Ito ay ang ‘WenDeli Meat House’, na mga frozen products at ready to cook na tocino, tapa na ibinebenta nila.

Ang dalawa pang negosyo ay ang iFarm at ang franchise nilang iFuel Gas Station.

“Hindi pwede iyong tutulog-tulog ka lang; lalo ngayon sa sitwasyon natin.”

Mahirap buhay wala pang taping kaya pokus muna ako sa negosyo namin ni Kukai. Malaking tulong din ito sa aming pamilya. At least kahit papaano may pinagkakaabalahan kami ngyaong may pandemya,” kwento ng aktor.