May 18, 2024

SHARON CUNETA, ‘DI MAKAKAUWI NG PILIPINAS DAHIL SA SECOND VACCINE?

Mananatili muna si Megastar Sharon Cuneta sa Los Angeles, California. Dahil kahit kararating lamang niya ay nakuha na niyang mabakunahan ng Moderna vaccine.

Kanya itong ipinost sa kanyang Instagram. Nasa hospital si Sharon, nagpabakuna siya nang Moderna vaccine at si nurse Trish ang nagbakuna sa kanya.

Pilipina ang nasabing nurse ay talagang inistima siya ng husto. Wish pa raw niya pati ang kanyang mga kids ay mabakunahan na rin.

Payapa na raw si Megastar at iyong hinahanap nga niyang freedom ay mukhang natagpuan na niya sa America.

Nagagawa na niyang kamain sa labas with her friends, at talagang sinamantala niya ang pagkakataon na ma-enjoy niya ang life sa America.

Hindi pa munha siya makakauwi dahil, waiting siya sa ikalawang moderna vaccine.” Ayon iyan sa chika kong malapit kay Tita Shawie.