
BINATI ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V si Vice President Sara Duterte sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
“Welcome back po to our VP. Hindi ko alam kung bibigyan niya ako ng pasalubong. Syempre, maganda nakabalik siya kasi nga paghahandahan niya itong mga susunod na buwan,” ayon kay Ortega. “Nung na impeach po siya… I’m sure they have been preparing for this,” dagdag pa niya.
Ang umano’y maling paggamit ng confidential funds ang isa sa mga article ng impeachment na inihain laban sa kanya noong nakaraang Pebrero.
Para kay Ortega, maiiwasan sana ang paglilitis kung tinugunan ni Sara Duterte ang isyu sa panahon ng imbestigasyon ng Kamara.
“Hanggang ngayon wala pa pong sagot. Kaya nga sabi ko sa impeachment na rin siguro magkakaroon ng mas klaro na kasagutan tungkol dito,” ani Ortega.
More Stories
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA
NWC HINIMOK SI MARCOS NA I-CERTIFY AS URGENT ANG P200 LEGISLATED WAGE HIKE
11 MIYEMBRO NG GABINETE DADALO SA SUSUNOD NA PAGDINIG SA SENADO