Mga Cabalen, nagsimula na po ang Kuwaresma. Para sa mga Katolikong tulad ng inyong lingkod, nung Miyerkules idinaos ng lahat ng simbahang Katoliko ang “Ash Wednesday.” Umpisa ng pag-aayuno. Para sa ating mga Katoliko ito ang panahon ng pagninilay, pag-iisip sa mga kasalanan at pagsisisi. Pag-iwas sa sa lahat ng bagay na sumusobra at hindi sapat.
Subalit, nagkataon ang simula ng pag-aayuno ay panahon ng eleksiyon sa Pilipinas. Sa aking palagay, mahirap para sa mga pulitikong Katoliko na sumunod. Sapagkat dito nagaganap ang ang pagsisinungaling, panlilibak sa kapwa, suhulan at bayaran at pagiging sakim pati na ang pagpapatayan dahil lamang sa posisyon.
Nangingibabaw sa panahong ito ang pansariling kapakanan kaysa iba. Gaya po mga Cabalen ng mga nangyayari sa ating bansa. Sa Infanta, Quezon, tinambangan ang mayor dito dahil umano sa pulitika. Si Senator Bongbong Marcos na kumakandidatong Presidente, sinugatan ang pulso ng di nakikilalang salarin. Ang nakagawiang maruming kampanya ng mga trapo hindi rin po mawawala.
Sa Taytay, Rizal naman po, gumawa ng sariling diskarte ang tumatakbong vice mayor sa pamamagitan ng sarsuwelang expose upang kalabanin ang incumbent vice mayor. Nais niyang masira ang pangalan ng kasalukuyang vice mayor kahit pa maganda at para sa Taytayeños ang ginagawa nito. Isa pang malupit na diskarte laban sa katunggali sa pulitika at siguradong no, no kay padre ngayong Kuwaresma ang paglaban nang ‘di patas; dahil ikaw ang nasa puder.
Binawi ng pamahalaang lokal ng Caloocan City ang permiso para makapagpasagawa ng rally ang Aksiyon Demokratiko sa lungsod nitong Martes. Ayon sa kampo ni Mayor Isko Moreno, maliwanag daw na pamumulitika ang ginawa ng pamahalaang lokal ng Caloocan City. Sapagkat ang tatalo sa kanilang manok sa pagka-Mayor na si Cong. Egay Erice ay kasapi sa partidong Aksiyon Demokratiko. Hindi rin po iyan katanggap-tanggap sa panahon ng pag-aayuno.
Si Cong. Erice ang pambato ng AD sa pagka-mayor na sinasabing mabangong-mabango ngayon at lumalakas habang papalapit na ang eleksiyon.
Paliwanag ng pamahalaang lokal ng Caloocan, lahat naman daw ay welcome para magsagawa ng kanilang campaign rally sa lungsod (maliban na lamang kay Cong Erice?)
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA