Natanggap na ni Filipino boxing icon Sen. Manny Pacquiao ang ‘World Boxing News’ (WBN) ‘ Fighter of the Year’ award. Naantala ang pagbibigay ng parangal dahil sa lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito’y bunsod ng mga naitala niyang impresibong panalo sa mga susunod niyang laban. Kabilang na rito ang panalo kay Adrien Broner noong Enero.
Gayundin ang paghablot ng WBA title belt si Keith Thurman noong Hulyo. Anupa’t napabilang siya sa nominasyon.
Dahil dito, muling naluklok sa pagiging hari sa welterweight. Umakyat din siya Top 5 ng WBN ‘Pound for Pound rankings. Kabilang din sa rankings sina Canelo Alvarez, Deontay Wilder, Errol Spence Jr, Anthony Joshua, Naoya Inoue at Juan Estrada.
Nakuha ni pacman ang record na 86% ng kabuuang 20,000 ballots cast.
Bagamat naipadala ng WBN, ang organisasyong binubuo ng mga boxing writers sa mundo ang trophy noong nakaraang Pebrero.
Ngunit, hindi ito nakarating kay Pacman dahil sa ipinatutupad na safety protocols.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na