Sinisisi ng Meralco Bolts ang officiating sa kanilang pagkatalo sa Barangay Ginebra 91-84 sa Game 3 ng semifinals ng PBA Philippine Cup bubble.
Katunayan, nagparinig sa mga referees ang isang unknown member sa Meralco squad.
“Ref, lutong-luto to ‘ah,” ani nito na pinalalabas na pabor sa Ginebra ang tawag.
“Some of the disadvantages ng walang crowd. Sorry everyone,” ani former PBA player Jolly Escobar, play-by-play commentator.
Ayon naman sa fans ng Ginebra sa social media, si Reynel Hugnatan daw ang nagsabi ng luto.Natawagan kasi ito ng foul nang depensehan si Japeth Aguilar.
Nadismaya ito nang matawagan ng technical foul, may 10 minutes na lang sa fourth quarter.
Ngunit, mahirap patunayan na si Hugnatan nga ang nagsabi ng gayung salita.
Maging ang mga nasa loob ng bubble ay hindi rin masabi kung si Hugnatan nga ang culprit. Kaya naman, maaring mahging isyu ito na maaaring lutasin ni PBA commissioner Willie Marcial.
More Stories
PH Under-20 water polo team sasabak sa KL Malaysia Open
BAGONG SPORTS ASSN. NA SUDOKWAN FULL FORCE ACTION NA SA CFS CATALAN
Tres Señores Master Ahedres, target ang GM title sa Portugal Mundial