January 23, 2025

Water level ng Angat Dam patuloy sa pagbaba

Ryan San Juan

PATULOY  ang pagbaba ng antas ng tubig  sa Angat Dam  sa lalawigan ng Bulacan na nagbibigay ng nasa 90 porsiyento ng tubig sa mga residente sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nagbabadyang pumalo sa operating level na 180 metro ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Dagdag pa ng ahensiya, nasa 183.99 metro ang lebel ng tubig sa dam kahapon kumpara sa 184.38 metro noong Huwebes.

Bukod sa Angat Dam, bahagyang bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa, Binga, San Roque, at Magat dam noong Biyernes, ayon sa datos ng PAGASA.

Nauna nang nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaring makaranas ang mga residente sa Metro Manila ng limitadong supply ng tubig sa darating na mga linggo.