May 20, 2024

BOOBAY, HINIMATAY HABANG NAGPE-PERFORM SA APARRI

NAG-SHOW si Boobay sa town fiesta sa Appari, sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta ay bigla na lamang itong bumagsak sa stage.   Absence seizure ang uri ng sakit ni Boobay, na dumale na sa kanya sa show ni Kuya Boy Abunda, noong 2013.

“Kung hindi niya aalagaan ang kanyang health condition, magagaya siya sa mga artistang namaalam sa mundo ng showbiz.

“Sa kalagit naan ng kulitan nina Boobay at Pepita Curtis sa entablado, habang kunakanta ay biglang bumigay ang katawan ni Boobay.

“Bigla na lang natumba si Boobay, sumalampak sa sahig ang katawan ni Boobay. Ang ulo niya ay hindi gaanong naaapektuhan, na malapit lang ito sa sound system. “Tama ng Spotlight sa mata at init ang naging dahilan ng pag-bagsak ni Boobay, sa ngayon nasa hotel na ang komedyante at nagpapahinga na,” malumanay na kwento ni Miss. Bubuwit na aking source.