April 29, 2024

WARRIORS ‘DI PASOK SA NBA PLAYOFFS

Photo courtesy: Golden State of Mind

NAKAPAGTALA si Keegan Murray ng walong tres at tumapos ng may 32 puntos at siyam na rebounds kaya napanatiling buhay ang Sacramento Kings sa score na 118-94 panalo kontra sa Golden State Warriors ngayong araw.

Nakatulong din ang 24 puntos ni De’Aaron Fox para pumasok sa ninth-place ang Sacramento.

Bibisita ang Pelicans sa New Orleans Pelicans sa Biyernes, kung saan ang mananalo ay matatanggap ang No. 8 seed sa Western Conference playoffs at isang matchup sa top-seeded na Oklahoma City Thunder.

Umiskor si Stephen Curry ng 22 puntos para sa Warriors, na pang-10th sa West at hindi makapaglalaro sa playoffs sa pangatlong pagkakataon sa limang seasons.

Pero nakagawa siya ng anim na turnovers habang walang pumasok sa sampung tira ng kanyang longtime Splash Brother teammate na si Klay Thompson.

Nakagawa naman ng tig-16 puntos sina reserves Moses Moody at Jonathan Kuminga para sa Warriors. Tig-12 puntos naman sina Golden State’s Draymond Green at Andrew Wiggins.

Samantala, umiskor ng 17 puntos si Harrison Barnes at si Domantas Sabonis ay may 16 puntos, 12 rebounds at 7 assists para sa Kings. Nakaambag si Keon Ellis ng 15 puntos, 5 assists, 3 steals at 3 bloked shots para sa Sacramento. RON TOLENTINO