NASAKOTE kamakailan ng operatiba ng CIDG ang dalawang suspek na illegal recruiters na nambibiktima ng mga inosenteng mamamayang nagnanais lang na mapabuti ang buhay lalo sa panahon ng pandemya.
Sa pamumuno ni PLTCOL CALVIN CUYAG ng CIDG-ATCU sa direktang superbisyon ni PLTCOL JOSEPH IAN LOFRANCO at POEA, ang mga naarestong suspek na recruiters ay kinilalang sina Maricel Ramos Abad-nasa wastong gulang, may-asawa at naninirahan sa Phase 2 ng Heritage Homes sa Bgy. Gregorio, Trece Martinez City at isang Mary Felisa Miguel ng naturan ding lungsod sa Cavite.
Batay sa ulat, nakatanggap ng phone call ang CIDG-ATCU mula sa PDEA na kaagad itong inaksiyunan. Ang operatiba ay agad na rumesponde at sumugod sa POEA kung saan ang unauthorized recruiters ay kanilang nalambat at nakilala sa pamamagitan ng mga complainant.
Diumano ay pinangakuan ng dalawang iligal na recruiters ng high paying jobs sa Poland kung kaya nakumbinse ang mga biktima na magbigay ng salaping nasa P20K hanggang P75K bawat isa.
Nang maramdamang mga iligal recruiters ang dalawa ay ipinagbigay alam agad ito sa POEA at naiparating sa CIDG-ATCU na nagresulta ng agarang pagkahuli sa dalawang suspek.
Dinala ang mga arestadong recruiters sa Camp Crame para sa proper disposition and filing of appropriate charges na Violation of Section 6 in relation with Section 7 ng Republic Act. 8042 at isinampa ang Article 315 (estafa) ng Revised Penal Code sa korte kontra 2 suspek.
Matinding pagbabala ang ipinaabot ni CIDG Director, PMGEN ALBERT IGNATIUS FERRO sa publiko kontra sa mga illegal recruiters na nagkukunwaring mga kawani ng PDEA. Ani Director ay ireport agad ang mga illegal recruitment activities.
Kamakailan din ay pinuri ng PMGEN FERRO ang mga tauhan ng CIDG-RFU-BAR sa pagkaaresto ng isang Most Wanted Person sa Maguindanao. Aniya ay dapat masustina at mapalakas pa ang mga katulad nitong operasyon upang maipakulong ang mga most wanted persons para sa kapayapaan ng mga mamamayan. HATS OFF CIDG-ATCU, kudos to CIDG-RFU-BAR at saludo kay CIDG DIRECTOR PMGEN ALBERT IGNATIUS FERRO! Walang pero-pero para sa mga salot ng bayan kay Director Ferro… ABANGAN!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino