SWAK sa hoyo ang isang construction worker na wanted sa kasong Attempted Murder nang matimbog sa manhunt operation at makuhanan pa ng hindi lisensyadong baril sa Caloocan City.
Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station hinggil sa kinaroroonan ng 43-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Persons ng Manila Police District (MPD).
Dahil dito, kaagad isinagawa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang operation laban sa akusado hanggang masukol siya malapit sa kanyang tirahan sa Brgy., 175 ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11.
BASAHIN: P665K halaga ng shabu nasamsam sa Caloocan, 3 tulak nalambat
Hindi na nakapalag ang akusado nang arestuhin ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 14, Manila na may inirekomendang piyansa na P120,000.
Nang kapkapan, nakuhan ang akusado ng hindi lisensyadong calibre .38 revolver na kargado ng bala. (JUVY LUCERO)
