
KUNG hindi pa sa pasabog ng kanilang Ninong sa kasal na si Ricco Ocampo, hindi pa malalaman ng madlang pipol na limang taon na palang hiwalay sina Kim Jones at Jericho Rosales.
“Wala hong umaamin hanggang ngayon kung totoong hiwalay na nga ang dalawa. Bago pa mag-pandemic ay hiwalay na pala sila, kung hindi pa sa kumpirmasyon ng kanilang Ninong ay hindi pa malalaman ng madlang pipol.
“Ano kaya ang dahilan, gayung wala namang third party na napabalita. Pero bilib kami dahil, nailihim nilang dalawa. Obvious namang nanatili iyong respetuhan nilang dalawa sa isa’t isa, at nagsama sila ng maayos at maghihiwalay din sila ng maayos.
“Dahil walang third party na napapabalita sa dalawa, tahimik lang sila kung ipapawalang bisa ba nila ang kanilang kasal o hindi,” nalilitong pahayag ng aking source.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA