May 17, 2024

Walang sightings na magkasama… ANDREA BRILLANTES, ‘DI UURUNGAN AT PALABAN SA KATHNIEL FANS

KUNG inaakala nilang aatrasan sila ni Andrea Brillantes sa pangba-bash nila sa actress, nagkakamali sila. Palaban din si Andrea dahil wala namang katotoohanan na nagkikita nga sila ni Daniel Padilla ng palihim.

“Kung may sightings silang nakitang magkasama ang dalawa at nagkikita sila ng palihim, do’n lang hindi aalma si Andrea Brillantes. Kaso nga hindi naman totoo, kaya tigilan na nila.


“Maraming mga bashers ang tinatapatan na rin ni Andrea, ang alam lang naman ay mang-bash ng wala namang ebidensiyang maipakita. Nakikisawsaw, makasama lang sa sila isyu.

“Tungkol naman sa isyung ayaw siyang makasama ni Kathryn Bernardo, desisyon niya iyon. Igalang na lang natin, wala naman siyang magagawa kung ayaw ‘di ba?” pahayag pa ng aking source.