November 19, 2024

WALANG ‘RESETA’, ‘PADRINO’ SYSTEM SA NIA – ADMIN ANTIPORDA

Hindi pahihintulutan ng pamunuan National Irrigation Administration (NIA) sa ilalim ni Administrator Benny Antiporda ang “reseta” at padrino system sa ahensiya na siyang dumudungis sa recruitment at selection process sa government sector.

Iyan ang pagtitiyak ni Antiporda nang pangunahan niya ang Oath Taking ng apat na NIA regional office at inatasan ang paglalagay ng 564 na bakanteng (pemamente) na posisyon batay sa merito at kwalipikasyon.

Sa kanyang ika-52 araw bilang hepe ng NIA, hinirang ni Administrator Antiporda ang hanggang apat na opisyal ng ahensya, na sina Engr. Gileu Michael O. Dimoloy, Engr. June Nathaniel S. Plaza, Engr. Lauro E. Ballesteros, Engr. Salome N. Layasan. Lahat sila ay dati nang may mga Acting Appointment bago italaga bilang ganap na mga tagapamahala.

Ang mga ito ay umangat mula sa hanay na humawak din ng iba’t ibang mahahalagang posisyon sa mga field office na may mga dekada ng karanasan sa pagpapaunlad ng irigasyon.

Kaugnay nito ang Action Man ng NIA ay nagbibigay ng mahigpit na babala sa lahat ng opisyal ng NIA na pigilin ang paghingi ng endorsement mula sa mga politiko at ibang tao na walang kinalamang sa NIA.

Hindi ini-entertain ng Administrator ang reseta at padrino system sa gobyerno, giit ni Antiporda.

Sa halip na personal niyang kunin ang mga taong kilala niya, pinili ni Administrator Antiporda na magtiwala sa mga empleyado ng NIA na batikang eksperto sa larangan ng pamamahala ng irigasyon. “Lahat ng tao ay magkakaroon ng pagkakataon na lumipat, ngunit hindi kailanman susubukang sirain ito”, sabi ni Administrator Antiporda na nagbibigay ng babala sa lahat ng mga opisyal na maaaring samantalahin ang kanilang posisyon sa kapinsalaan ng mamamayang Filipino.