January 22, 2025

WALANG OBJECTON SA KONGRESO ANG LEGAL COUNCILS NG MGA PRESIDENTIAL CANDIDATES SA COC’S, ‘E DI MABUTI

Maaaring iproklama na ng Kongreso ang nanalong Presidente at VP kapag natapos ang canvassing. Gumugulong na kasi sa joint session nito ang mga COCs na bibilangin. Binibilang na nito ang certificate of canvass ngayon habang sinusulat natin ito. Particular sa presidential at vice presidential race votes.

Maliwanag naman sa sikat ng araw kung sino ang talagang lamang. Kung sino ang talagang nanalo.  Siyempre, sa ganyang labanan, may natatalo.

Ang maganda rito ay tanggap ng mga kalaban nina BBM at Inday Sara ang resulta. Wala naman anilang pagtutol ang bawat kampo nila sa resulta ng COCs. Gayundin ang hindi pag-o-object dito. Basta ‘authentic at duly executed’, sangayon na rin sa Section 20 ng Republic Act 7166.

Patunay na sangayon sila na wala talagang naganap na hokus-pokus sa bilangan. Kaya, tanggap nila ang pasya o hatol ng mayorya. Katunayan, lumabas pa ang legal councils ni VP Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal. Kasama na rin ang iba pang lawyers ng ibang kandidato sa pagka-pangulo.

Layun nitong mapabilis ang canvassing at tiyaking wala na silang object sa resulta. Nangangahulugan din ito na tanggap na ni Robredo ang kanyang pagkatalo sa halalan.

Ewan kung bakit mapilit pa rin ang kanyang mga taga-suporta na magreklamo. Lalo na sa social media. Nanawagan pa nga siya na irespeto at tanggapin ang desisyon ng bayan.

Kung matatapos na agad ang canvassing, maaaring maiproklama na ang mga nanalo. Pormalidad ito ng pagiging president ng bansa ni Bongbong Marcos. Pati na rin ng pagiging bise ni Sara Duterte.