December 24, 2024

“Walang ban kay Bobby Ray Parks, ewan kung may interesadong team pa sa kanya,” PBA Komi Marcial

Nilinaw ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi papatawan ng liga ng ban si TNT guard Bobby Ray Parks Jr. Aniya, hindi naman napag-uusapan ang gayun sa board meeting.

Sa kabila na free agent na ito, may usapan si Parks at ang TNT. Ang nasabing team ang may-ari ng kanyang PBA rights.

Gayunman, nilinaw din ng liga na hindi nila alam ang napagkasunduan ng Board of Governors. Na malayang magpasya ayon sa kanilang kagustuhan.

Kamakailan, napag-usapan ni league chairman Ricky Vargas ang sitwasyon ni Parks.

 “I challenge him (Parks) to offer his services to the other (PBA) teams and see for himself if he can land a job,” ani Vargas.

“I’m sure no team will be interested in him considering the way he conducts himself.”

Dagdag pa ni Chairman Vargas, dikit ang 12 governors ng liga. Kapag nasaktan ang isa, makikisimpatiya ang lahat.

 “‘Yung Board of Governors natin, dikit silang lahat,” aniya.

Pumasok sa PBA si Parks noong 2018. Nadrafted siya bilang 2nd overall pick ng Blackwater. Kalaunan, napunta siya sa TNT via trade noong November 2019.

Pagkatapos na makapaglaro ng isang season sa TNT, inaayos ng dalawang kampo ang new contract.

Nag-alok ang TNT ng 2-year deal. Subalit, nalagay sa alanganin. Sinabi kasi ni Parks sa social media na magpapahinga muna siya.

Pupunta muna siya ng Los Angeles upang alalayan ang maysakit na ina. Pero, sinupla ito ni PLDT/ SMART Chairman Manny Pangilinan sa social media noong gabi ng March 6.

Ang 28-anyos na anak ni former PBA 7-time Best Import ay markado sa one-year deals sa kanyang nilaruang teams.