May 14, 2024

Wala raw sa TV5… SHOW NI KRIS AQUINO, MAY PROBLEMA SA KANYANG PRODUCER?

MATAGUMPAY sa digital world si Kris Aquino, kahit hindi siya nakabalik sa Kapamilya Network. Pero ayon sa TV5, tanggap naman nila na magkaroon ng show si Kris sa kanilang network at iyong ngang huli nilang pag-uusap ay pumayag na sila sa aktres at sa producer ng kanyang show na ‘Love Life With Kris.’

Nagkaroon kasi ng problema sa pagitan nina Kris Aquino at ng kanyang producer, kaya hindi muna nila ito inilabas. Out ang TV5 sa problemang iyon, pero ganun pa man ay hinihintay lamang nila na maayos ang lahat at tuloy naman ang pagpapalabas ng naturang show.

August 15, 2020 [Saturday], ang pagpapalabas ng ‘Love Life With Kris’ with digital episodes na mapapanood rin sa official Facebook page ng four times a week. Ang show ay prinoduce ng Positive Exposure Productions, at blocktimer sila sa TV5. Kaya kung matutuloy sila, tiyak na muling magniningning ang showbiz career ni Kris Aquino. Sana tuloy-tuloy na ang pagbabalik television ni Kris Aquino, dahil matagal din siyang nawala sa telebisyon.