NILINAW ng Malacañang na wala pang pinal na desisyon kung personal na magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa para sa ikalimang State of Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 27.
Paglilinaw ito ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang ianunsyo ni Senate President Tito Sotto III na sa Batasang Pambansa isasagawa ang SONA ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Sec. Roque, simula pa man ay sa Batasang Pambansa naman talaga ang venue ng SONA.
Ayon kay Sec. Roque, ang isyu naman ay kung pisikal bang tutungo doon si Pangulong Duterte o isasagawa na lamang nito ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng video telecast mula sa Malacañang at kung ilan ang papayagang makadalo.
Inihayag ni Sec. Roque na sa oras naman na maging planstado na ang paghahanda para sa SONA ni Pangulong Duterte, agad naman itong ipagbibigay alam sa publiko.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA