Usap-usapan ngayon sa social media ang kontrobersyal na pahayag ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro matapos nitong ihalintulad si Bise Presidente Sara Duterte sa sikat na horror doll na si “Chucky.”
Sa isang panayam, tila hindi nagpigil si Castro nang sabihing: “Kapag galit si VP Sara, kamukha niya si Chucky. Nakakatakot talaga.”
Mabilis na kumalat ang naturang pahayag online at agad na binatikos ng ilang netizens na nagsabing hindi ito nararapat at hindi kaaya-aya para sa isang mataas na opisyal ng gobyerno, lalo pa’t patungkol ito sa ikalawang pinakamataas na halal na opisyal ng bansa.
Kinondena ng mga tagasuporta ng Bise Presidente ang nasabing komento, iginiit na minamaliit nito ang posisyon at ginagawang katawa-tawa ang papel ni Duterte bilang Vice President. May ilan namang dumepensa kay Castro, sinasabing pabiro lamang ang pahayag at hindi dapat bigyan ng malalim na kahulugan.
Ayon sa ilang political analysts, ang ganitong uri ng pahayag ay maaaring lalo pang magpalala ng tensyon sa pagitan ng Malacañang at ng Office of the Vice President, lalo na sa gitna ng umiiral na mga hidwaan at kontrobersiyang politikal.
Hanggang sa oras ng pagsulat, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang Office of the Vice President kaugnay sa isyu.
