May 17, 2024

VP SARA DUMALO SA GRADUATION RITES SA NAVOTAS

PERSONAL na binati nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang lahat ng mga nagsipagtapos sa Navotas Polytechnic College Class 2023, kabilang si Nanay Adelaida Alfabete, 75-anyos sa kanilang napagtagumpayan na mga pagsubok sa loob ng ilang taon nila sa kolehiyo. Anila, marami mang pagbabago ang kanilang pagdadaanan ay kakayanin nila ito sa tulong ng mga mahal nila sa buhay at ng Pamahalaang Lungsod. Nagpasalamat din ang Tiangco brothers kay Vice President at DepEd Secretary Inday Sara Duterte sa kanyang pagdalo at pagbibigay ng inspirasyon sa mga nagtapos. (JUVY LUCERO)