December 24, 2024

VP LENI ROBREDO, SA HALIP NA PABANGUHIN ‘E PINAPAHAMAK NG KANYANG MGA DISIPULO

Mga Cabalen, mukhang sablay ang creative team ni VP Leni Robredo para i-promote siya. Sabihin na nating para palakasin ang hatak niya. Pabanguhin ang pangalan.


Pero, marami ang nakakapansin na wirdong mag-isip ang mga alipores niya. Di kaya, pera-pera lang ang habol nila? Kaya hindi inaayos ang mga publicity ng presidential aspirant?


Mantakin n’yo mga Cabalen, kung anu-ano ang ipinapagawa nila kay Madam. Kasehodang magmukha na itong kakatwa. Bihisan ba naman ng ala anime. O dili kaya ng video o anime character.
Tapos, isasalang nila sa Tiktok. Sa halip na makahatak ng supporters, disaster ang dating. ‘It’s that how to sale yourself? ‘Yan ang pangmalas ng ating mga kababayan.


Ngayon lang tayo nakakita ng kandidato na nag-‘haduken’. Isama pa ang hame-hame wave. Tapos nagbihis ng isang karakter sa anime na ‘ Naruto’.


Dapat ay si VP Robredo ang nasusunod sa kung ano ang ipagawa niya sa kanila. O baka naman siya ang sinasabihan kung anong dapat gawin. Nagmamalasakit lang tayo dahil kababayan din natin ‘yung tao. Hindi dapat siya ginagawan ng gayung gimik!


Kung matino kang tao o kahit di mo siya feel suportahan, aba’y teka ka lang! Di natin ugali na may taong pinaglalaruan na lang. Kahit di bagay ‘e pinipilit isubo sa tao. Kawawa naman dahil nasisira ang imahe ni madam.
Ayaw nating pinagtatawanan siya dahil sa kagagawan ng kanyang mga alipores. Ang sitsit nga ‘e nag-aaway na raw ang mga disipulo ni VP Leni. Saan sila nag-aaway?


Ang dapat gawin ng mga disipulo ni VP Leni ay magfocus sa kanyang plataporma. Yung natural lang dahil di naman siya superhero. Huwag over dahil pagpipiyestahan lang ng upat yan ng mga netizens.