
Kakasa si VP Leni Robredo sa ilalatag na presidential job interview ng DZRH at Manila Times. Kaugnay dito, nilinaw ng station manager ng nasabing himpilan ng radyo ang isyu sa bise presidente.
Aniya na hindi tumanggi si Robredo gaya ng lumabas nung una.Ang nasabing panayam na ikakasa ng dalawang media firm ay ikakamada sa Pebrero 2.
‘Matutunghayan po ito (interview) mula alas 4:00 ng hapon hanggang alas 6:30 ng gabi.” ani Station manager Cesar Chavez (DZRH). Bukod kay VP Robredo, sasalang din sa panayam si Sen. Ping Lacson at Bongbong Marcos.Gayundin si Sen. Manny Pacquiao at Leody De Guzman.
Hinihintay naman ng himpilan ang pagpayag nina Manila Mayor Isko Moreno.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms