Nagpresenta ng tatlong puntong panukala sa idinaos na 2023 Global Education and Innovation Summit (GEIS) sa Seoul South Korea si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte isa sa mga tagapagsalita at kinatawan ng Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Sara na dapat isaalang-alang ng mga policymakers at education experts
ang kanyang three-point proposal sa pagharap sa mga hamon na dala ng digital education sa 21st Century.
Ipinunto ni VP Sara na sa pagtanggap ng makabagong teknolohiya sa edukasyon, mahalaga ang mga sumusunod:
Una, dapat ay mapanatili ang kahalagahan ng critical thinking, communication, collaboration, at creativity ng mga learners.
Ang kahalagahan ng critical thinking ay dapat na mas bigyan ng pansin ngayong mas madali para sa mga learners na makakuha ng iba’t ibang klaseng impormasyon.
Nang isara aniya ang mga paaralan dahil sa pandemic, mas nakita natin na dapat bigyan ng atensyon ang aspeto ng communication, collaboration, at creativity ng mga learners;
Pangalawa, dapat ay nakasentro ang teknolohiya sa epekto nito sa development ng mga learners;
At ang pangatlo, dapat ang mga guro at mga mag-aaral na end-users ang susukat at magsasabi kung epektibo o hindi ang isang tekholohiya.
Sa huli, nagpasalamat si VP Sara sa Republic of Korea sa kanilang imbitasyon.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE