DAPAT kilalanin ang dumaraming volunteers at partner organizations na lumalahok sa clean-up at mang-rove planting activities sa ilalim ng Manila Bay rehabilitation campaign, ayon kay Senadora Cynthia Villar.
Ginawa ni Villar, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, ang pahayag sa pagdiriwang ng International Day of Coastal Cleanup.
Sa kabila ng halos 12 taon matapos magpalabas ang Supreme Court ng mandamus na nag-aatas sa government agencies a local government units sa clean up at rehabilitation ng Manila Bay, sinabi ni Villar na matagal pa bago maibalik ang orihinal na kondisyon nito.
“Natutuwa ako dahil mas marami na tayo ngayong volunteers and partners sa ating clean up and mangrove planting activities in Manila Bay. Marami sa kanila ang hindi tumitigil sa paglilinis kahit may pandemya,” sabi ni Villar.
Limang taon na ang nakakaraan nang simulan ni Villar ang proyekto sa Baseco Compound. Kasama ang Department of Health, nagpatayo siya ng mga kubeta para sa mga residente upang tapusin ang lantarang pagdumi kahit saang lugar.
Nagtayo rin siya ng mga proyektong pangkabuhayan gaya ng mangrove planting, urban garden, recycling at aquaculture.
Pinagmumulan ng pagkain at karagdagang kita ng mga residente ng Baseco ang mga proyektong ito.
Patuloy din ang senadora sa pangunguna sa pagtutol sa sa Manila Bay reclamation. Ang Las Pinas-Paranaque Wetland Park, 175-hectare critical area na nasa south ng Manila Bay, ay isang Wetland of International Importance na binigyan ng proteksiyon laban sa banta ng rekalamasyon sa iallim ng Republic Act 11038 or the Expanded National Integrated Protected Areas System Act na inakda ni Villar.
Tumulong din ang senadora sa pagtatayo ng mga mga pasilidad sa lugar gaya ng wetland center, visitor’s center, bird hides, boardwalk, at view towers upang mapaigting ang kaalaman ng publiko sa kahalagahan ng wetland bilang santuwaryo ng migratory birds at tirahan ng flora at fauna.
Magiging kumportable rin aniya ang panonood ng mga tao sa mga nakakasayang “wonders” ng parke.
“Ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay hindi lamang para sa beautification. Napakaimportante na ma-preserve and biodiversity dito dahil maraming kabuhayan ang naka-depende dito. Umaasa sa fish supply ng Manila Bay ang may 300,000 na mangingisda,” ayon kay Villar. “At syempre, ang Manila Bay na kilala sa buong mundo dahil sa napakagandang sunset nito ay gusto din nating patuloy na ma-enjoy ng future generations. Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta sa paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay. Umaasa ako na kahit na malayo pa tayo sa end-goal, we continue to inspire others to help us win the Battle for Manila Bay,” dagdag pa nito.(
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA