January 23, 2025

Volleybelles, nag-bonding thru Zooming; 2 bagong clubs, sasali sa Superliga

NAGKAKAROON ng masayang Usapang PSL nina host Aby Maraño, Sta. Lucia Lady Realtors players na sina (ikalawa, taas) Pam Lastimosa, Bang Pineda, Amy Amohiro at team captain Mika Reyes na napag-usapan ang kanilang online work-out at ang pinag-aabalahan sa panahon ng lockdown sa Zooming nila. Photo by: Gerard Villota

Dahil sa wala pang laro ang Philippine Superliga dahil sa COVID-19 pandemic, ikinasa ng ilang volleybelles ang kanilang online work-out.

Natalakay ito ng mga sikat na volleyball players sa bansa sa isinagawang  ‘Usapang PSL’ kung saan host si Benny Benitez.

Sa kanilang isinagawang Zooming, napag-usapan din nila ang pinagkaka-abalahan sa panahon ng lockdown.

Kabilang sa mga ito sina co- host Aby Maraño ng F2 Logistics Cargo Movers, Pam Lastimosa at Bang Pineda ng Sta.Lucia Realtors. Gayundin sina Amy Ahomiro at team captain Mika Reyes.

Nabanggit din sa usapan ang tungkol sa posibilidad na paglahok ng 2 clubs sa liga. Gayundin ang pagpapahintulot sa PSL na magsagawa ng training sessions.

Natanong din ni Abby kung ano ang safety guidelines ang ikakasa ng PSL at DOH kapag bumalik na ang liga.

Naibulalas naman ni Latimosa na nakaranas siya ng anxiety sa gitna ng pandemya. Aniya, nang umuwi siya sa Cagayan de Oro, nagbenta siya ng tacos.

Bukod dito, nagtuturo rin siya sa mga pre-schoolers thru online teaching. Pagbabasa naman ng libro busy si Ahomiro. Mahalaga rin aniya na alagaan ng mga atleta ang mental health thru constant meditation.

Si Pineda naman ay nagbi-bake at nagbebenta ng produkto upangmahgkaroon ng ektrang income. Samantala, enjoy naman si Mika na makasama ng mas mahabang oras ang kanyang pamilya.