Naging matagumpay ang operasyon ni Jasmine Nabor ng Chery Tiggo Crossovers ng PVL. Gayunman, hindi idinitalye ng 23-anyos na volleybelle kung ano ang inoperahan sa kanya.
Basta ang nasambit niya, nasa kondisyon na ang katawan niya para maglaro uli.
Makikita sa isang post sa social media na nakasakay si Jasmine sa wheel chair. May benda rin kaliwang hita nito. Kaya, nahuhulaan na ng volleyball fans ang inoperahan sa kanya.
Ayon kay Jasmine, 5 years na niyang iniinda ang iniinda. Na sumasakit at kumikirot kapag nagti-training siya. Kaya best decision niya umano ang pagsalang sa operasyon.
“Looking forward na makapaglaro ng maayos para sa future,” saad ni Jasmine sa kanyang Instagram post.
Kamakailan, naging bahagi siya ng pagsikwat ng Chery Tiggo sa 2021 PVL Open Conference championship. Na idinaos sa Bacarra, Ilocos Norte.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!