May 19, 2024

KIM DOMINGO, GRABE ANG IYAK DAHIL DI NA MAKAKASAMA SA ISANG BAGONG SHOW

Hanggang ngayon ay di pa rin lubos maisip ni Kim Domingo kung bakit nagpositibo siya ng COVID-19. ‘E nasa loob lang naman siya ng bahay. Kahit rumaraket ‘e sa bahay lang siya o work from home.


Kaya, nagtataka siya kung bakit tinamaan siya ng virus. Nabakunahan naman siya para pananggalang dito. Kumpleto rin siya sa vitamins


Kahit anong ingat mo, pwedeng-pwede kang tamaan ng COVID-19,” himutok ni Kim.
Nasambit niya tuloy na matindi pala talaga si COVID-19. HIndi maisawang sumama ang loob ng aktres. Kasi, hindi tuloy siya nakasama sa isang bagong show ng Kapuso.


Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka-wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin.” saad ni Kim.