November 5, 2024

Volleyball Community, aayuda sa mga naapektuhan ng bagyo

Kagaya ng kanilang ginagawa noon, isasagawang muli ng Volleyball Community Gives Back ang kanilang plataporma. Na ang layun tulad ng dati ay tumulong.

Sa pagkakataong ito, lilingapin ng VCGB ang mga biktima ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Charo Soriano, magsasagawa ang grupo ng donation drive simula ngayong araw. Magtatagal ito hanggang November 21.

Sa mga araw na ito ay lilikom ang grupo ng kumot, pagkain at mga lumang damit. Ang mga donasyon ay tatanggapin sa Filoil Flying V Center sa November 18 mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

Ani Soriano, tuutlungan nila ang mga apektado sa Marikina. Magpapadala rin sila ng donation sa Bicol na sinalanmta ng bagyong Rolly.

 “We’re accepting donations in kind like blankets, food, old clothes, anything you have for our brothers and sisters who’ve been affected by the typhoon,” ani Soriano sa Zoom press conference.

“We’ll bring them to Marikina as well as Bicol,” aniya.