May 20, 2024

VILMA, MAY ADVOCACY NA PERO ANG MOVIE ‘DI BLOCKBUSTER PATI PAGKAPANALO KINUWESTIYON

KAYA lang naman dinumog ng mga tao ang movie ni Vilma Santos, dahil nag cinema tour sila at naglabas nang malaking halaga ang OWWA para sa movie niya sad to say na sa halip na mag blockbuster ay bigo ito.

   Hindi rin nakatulong ang pagkapanalo niya ng Best Actress, dahil sa halip na paniwalaan siyang deserving kinuwestiyon at nagduda pa ang mga Pilipino na moviegowers sa kanyang pagkapanalo.

   Narito ang mga salaysay ni Ms. Vilma Santos, “Hindi ko po ine-expect ito. Ang adbokasiya lang namin po talaga when we did ‘WIMYIT’ is not even the Best Actress or the Best Actor, we just wanted to do a simple love story at sa edad po namin. Pero ang talagang adbokasiya po namin ay maging successful ang Metro Manila Film Festival.

   “And at the same time, mabalik po sana ‘yung mga tao sa sine. ‘Yun po ang aming inasam-asam… ng makasama po itong Metro Manila Film Festival, ‘yun po ang dream namin… and with this 10 movies that are showing now under MMFF, bumabalik po ang mga tao sa sine.

   “Sana ho magtuloy tuloy kasi ito ho ang kailangan ng ating industriya na ma appreciate po nila uli ang panunuod sa sine with their family, bonding. I think it’s happening now sana po ay tuloy.” – pahayag ni Ms. Vilma Santos sa kanyang acceptance speech sa MMFF 2023 bilang Beat Actress.

“Pero binigo ng mga tao si Vilma Santos, dahil ang pelikula niya ay hindi manlang nakapasok sa Best Of Three Movies, at nabawasan pa ng mga sinehan. Iyong pagiging Best Actress niya sa MMFF 2023, kinuwestiyon pa ng mga Pilipino,” chika pa pa ng aking source.