SA kabila ng araw-araw na distraction, sinabihan ni Sen. Cynthia A. Villar ang Freemasons na palaging maging bukas loob na itaguyod ang kabutihan sa kanilang gawain.
Sa kanyang pananalita sa induction ng officers para sa 6023-6024 ng ‘Dr. Filemon C. Aguilar (Las Piñas) Lodge No. 332 of the Most Worshipful Grand Lodge of the Free and Accepted Masons of the Philippines,’ tinagubilinan niya ang mga ito na maging ‘inspired’ sa kanilang masonic duties.
Hinimok din niya ang mga ito na patukoy na maging ‘builders’ ng kabutihan, kawaggawa, katarungan at pag-asa sa mga kominidad.
“Throughout the centuries, Freemasons remain a significant and robust institution. Its membership was estimated to be around six million worldwide now,” ani Villar.
“It is not a secret society, but described as “a social and philanthropic organization meant to make its members lead more virtuous and socially oriented lives,” dagdag pa niya.
Aniya, naaayon dito ang ‘Most Worshipful Grand Lodge of the Free and Accepted Masons of the Philippinses.’
Ikinatuwa niya na muling makasama ang mason brothers ng kanyang ama, ang yumaong Mayor-Dr. Filemon Aguilar.
Aniya, kawili-wili na kabilang ang Freemasonry sa pinakamatagal na fraternal organization sa buong mundo. Nagsimula ito sa Europa ng 5th -15th century, una, bilang samahan ng skilled builders, na kilalang masons. Sila ang gumawa sa pinakamagagandang gothic architecture sa Europa na karamiha ay cathedrals gaya ng Notre Dame sa Paris at Westminster Abbey sa London.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund