December 25, 2024

Villar family nag-donate ng office building, agri facilities para sa Association of Senior Citizens at War Veterans Families

NAGPAPASALAMAT ang Talon 2 Senior Citizens of Las Piñas and the Apo, Sons and Daughters of World War II Veterans Association Incorporated of Las Piñas kina Senator Cynthia Villar at Las Piñas Congresswoman Camille Villar sa pagbibigay sa kanila ng bagong office headquarters  na may vegetable garden, vermicomposting at  waste management facilities. 

Matatagpuan ang bagong office buildings sa Barangay Talon 2 in Las Piñas.

 “Our elders come from a generation which value simple and sustainable living. They are the first proponents of growing food in our own homes or backyards. Besides providing headquarters for their associations, we also want them to be productive. What better way to do that than through farming,” ayon kay Villar.

Ang office building at agri facilities na ibinigay ng Villar family sa Association of Senior Citizens and War Veterans Families na matatagpuan sa Bgy. Talon Dos, lungsod ng Las Pinas.(Danny Ecito)

Bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, isinusulong ng senador ang urban farming at iba pang agricultural activities na magagawa sa likod bahay upang matiyak ang sapat na pagkain. 

Magse-share ang dalawang asosasyon sa urban farming facilities kasama ang mga residente ng barangay. 

Hinimok din ng senador ang mga tao na sa wastong 

waste management kaya itinayo niya ang vermicomposting at waste management facilities sa lugar kung nasaan ang gusali.

Magagamit din sa mga vegetable garden ang fertilizers mula sa ’empty at vermicomposting’ ng kitchen at garden wastes.

 “I have always been finding ways to help the elderly. As a legislator, I have pursued bills that will benefit them. We owe senior citizens a huge debt, so helping them during the twilight years of their lives is the least we can do,” ayon Villar.

Bilang congresswoman  mula 2001-2010, kinikilala ni Villar bilang isa sa malaki niyang nagawa ang pag-akda sa 2 bersyon ng Senior Citizens Act (2003 and 2010). 

Sa kanyang unang termino, kabilang sa mga panukala niyang naisampa na naisabatas ang legislation na nagbibigay sa Social Security System (SSS) pensioners ng PhP2,000 pesos across-the-board increase sa kanilang monthly pension. 

Ipinamahagi noong 2017 ang first instalment na PhP1,000. Ang 2nd  instalment ay dapat na naibigay noong 2019 pero ipinagpaliban ngayong taon.

Bukod dito, kasama ang kanyang asawa na si dating 

Senate President Manny Villar, ang mga Villar ang pangunahing  fundraisers ng Filipino War Veterans Foundation sa mahigit 2 dekada simula noong 1999.

“I believe that all of us should ensure that senior citizens can lead dignified, healthy, safe and secure lives during their advanced age. For it is true that any human being, society or nation is judged on the basis of how it treats those who are powerless, helpless, weak, and who have no means to pay back,” ani pa Villar.(Danny Ecito)