

“Bitin!” Ito ang sigaw ng fans sa comment section ng Si Sol at Si Luna, ang patok na digital series ng Puregold Channel, habang patuloy ang panawagan na gawing higit sa isang episode kada linggo ang palabas.
Sa bawat bagong episode, lalo pang dumadami ang tagasubaybay ng serye — at ayon sa mga manonood, “paganda nang paganda ang story.” Sa Episode 5, mas lalong naging emosyonal at kapanapanabik ang ugnayan nina Sol (Zaijian Jaranilla) at Luna (Jane Oineza), kung saan sa wakas ay nagbukas sila ng damdamin sa isa’t isa. Naging malalim ang koneksyon ng dalawa habang pinaghahandaan nila ang paggawa ng pelikula ni Sol.
Hindi mapigilan ng fans na magpahayag ng kanilang pagkakaugnay sa istorya. Isa sa kanila, si @skipper2867, ay nagsabing, “Paganda nang paganda ang bawat episode.” Samantala, si @bernadettemanayag7952 ay nagkomento, “Puwede ba araw-araw na ipalabas, hehe. Ganda ni Luna at pogi ni Sol. Sana may kakambal si Luna para kay TL Ben!”
Sa kabila ng limang episodes pa lamang, tumatagos na sa puso ng manonood ang kwento, na marami ang naiinspire na ibahagi ang sariling pananaw sa pag-ibig. “Sol, ang love, hindi hinahanap. Kusang dumadating,” payo ni @sage_4812 — isang patunay sa relatability ng serye.
Hindi rin matatawaran ang galing ng cast, lalo na sina Jane Oineza at Zaijian Jaranilla, na paulit-ulit na pinupuri ng mga netizen. Ayon kay @evangelinpalacio55, “Alam na ng lahat na isa si Jane Oineza sa pinakamagagaling sa kanilang henerasyon. Samahan pa ni Zaijian — kumpleto na!”
Ang Si Sol at Si Luna ay patuloy na kumakamit ng daan-daang libong views, likes, at komento sa bawat episode, patunay sa lakas ng hatak nito. Puno ng puso at katotohanan, kinikilala ito ng mga manonood bilang kwentong sumasalamin sa karanasang Pilipino.
Mula sa mga naunang tagumpay ng Puregold Channel gaya ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, at My Plantito, muli nitong pinapatunayan ang liderato sa “retailtainment” — pagsasanib ng retail at entertainment sa pamamagitan ng makabuluhang kwento.
Huwag palampasin ang Si Sol at Si Luna Episode 6: ‘Meet the Family’ ngayong Sabado, Hulyo 5, 7:00 ng gabi, sa Puregold Channel sa YouTube.