ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang isang Vietnamese national na nagpapanggap na bueaty doctor sa ikinasang operasyon sa Mandaluyong kamakailan lang.
Nahaharap sa kaso sa Mandaluyong Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Section 10 na may kaugnayan sa Section 28 ng R.A. No. 2382 (Illegal Practice of Medicine) ang suspek na si Trinh This Kieu Nguyen, alias ‘Dr. Rosa’.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadakip ng mga operatiba ng NBI – Organized and Transnational Crime Division (OTCD), sa kanyang beauty clinic sa Mandaluyong.
Nakatanggap ng tip ng NBI kaugnay sa illegal na aktibidad ng suspek kaya’t nagsagawa ng verification ang NBI-OTCD.
Nakumpirma na nag-aalok ang Vietnamese national ng eyelid surgery, vaginal tightening, botox at iba pang cosmetic procedures sa kanyang JK Beauty Clinic (JK) na matatagpuan sa ground floor ng Jovan Condominium Building sa Mandaluyong City.
Isang confidential imformant ang nagpanggap na customent ang nagawang makakuha ng appointment para sa botox procedure sa halagang P8,000.
Bago magsimula ang procudire noong Enero 8, 2025, inaresto na ng NBI ang suspek. (ARSENIO TAN)
More Stories
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT
Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving