
Mainit ang naging sagutan ng magkaribal sa pinakamataas na posisyon sa Pasig City na sina incumbent Mayor Vico Sotto at ng kanyang katunggali na si Sarah Discaya sa Facebook matapos ang naging akusasyon ng huli hinggil sa pananabotahe sa campaign kick-off rally ng ‘Team Kaya This.
Ayon sa post ni Discaya sa Facebook, nag-request ang kanilang team ng permit para sa kanilang campaign kick-off rally sa Marso 28 na plano nilang ganapin sa Plaza Rizal, ngunit sa special permit na ipinagkaloob sa kanila ng LGU ay binigyan sila ng venue sa Caruncho Avenue. “Paglilinaw lang po, ang LGU po ang pumili ng alternatibong lugar, hindi ang Team Kaya This,” ayon kay Discaya.
Aminado naman si Discaya na makakadagdag ng traffic ang kanilang rally, lalo na’t ito ay araw kaya napagpasyahan nila na huwag munang ituloy ang kick-off event sa nasabing lugar.
“Oh come on,” ito naman ang naging prangkang sagot ni Sotto sa comment section ng post ni Discaya upang linawin ang isyu.
Sa kanyang comment, ipinaliwanag ni Sotto na choice ng team ni Discaya na lumipat sa Caruncho Avenue.
Dagdag pa nito na nagpadala pa sila (Team Kaya This) ng application letter na humihiling na ganapin ang rally sa “Caruncho West Bound.
Pinuna rin ng alkalde ang ipinadala ni Discaya na proposed traffic plan sa LGU, na nagpapatunay na hindi totoo ang kanilang pahayag na gusto nilang gawin ang kickoff rally sa Plaza Rizal.
“Kung magkukwento na lang din kayo, ikuwento po ninyo nang buo. Dishonesty eh,” komenti ni Sotto.
Tumatakbo si Sotto para sa kanyang huling termino bilang Pasig Mayor, habang si Discaya ay nais dalhin ang bagong style ng pamumuno sa siyudad.
More Stories
Mga residente, nagpapasaklolo kay CIDG Chief General Nick Torre at Batangas City Mayor Beverley Dimacuha na palayasin ang operasyon ng “Paihi” Petrolyo
VICO SOTTO SUSUNOD NA PANGULO (Suportado ni Vic Sotto)
TRILLANES NAIS GAYAHIN SI VICO SOTTO (Para sa pagbabago ng Caloocan)