May 5, 2024

VICE GANDA, NATAKOT MAKAHARAP SI JESSICA SOHO

SA event ng GMA-7 Grand Ball, nagkita na pala sina Jessica Soho at Vice Ganda.

Pero walang nangyaring batian, nag-iwasan pa nga raw ang dalawa.

“Ang pakiramdam kasi ni Meme Vice Ganda, parang gate-crasher ang dating niya sa nasabing GMA-7 Grand Ball.

“Hindi nga niya nabati si Jessica ng ‘hi’ o humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya.

“Basta mukhang nag-iwasan silang dalawa, natakot o nerbiyos ang umiral kay Meme Vice kahit malapit lang sila sa isa’t-isa.

“Pero darating din iyong right time para mag-kaayos silang dalawa, pero sa ngayon palamig na muna silang dalawa sa isa’t-isa,” pahayag pa ni Miss. Bubuwit na aking source.