
NAGSIMULA nang mag-taping ang grupo ni Sen. Bong Revilla, para sa action-comedy series ng season 2 ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.’ Ang action-comedy series niya ang ipapalit sa mawawalang comedy show ni Vic Sotto, na balitang lumipat sa kabilang TV station.
“Naging masaya ang taping at bukod doon ay may nadagdag pa sa dating cast, pasok sina Ejay Falcon at Jestoni Alarcon. Pasok din sina Harlene Budol at Lianne Valentine, hindi lang kami sigurado kung magiging regular cast sila at andon din sila sa taping.
“Kasama pa rin ang dating cast na sina Beauty Gonzalez bilang leading lady ni Bong, Carmi Martin, Maey Bautista, Raphael Landicho, Kelvin Miranda at si Enzo Williams pa rin ang tumatayong director,” kwento pa ng aking source.
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente