May 19, 2024

REGINE VELASQUEZ, SOLID KAPAMILYA DAW

PUMIRMANG muli si Regine Velasquez ng bagong kontrata sa ABS-CBN, patunay lamang daw na solid kapamilya ang singer.

“Masaya ako na muling maging Kapamilya, exciting ako na muling bumalik sa Kapamilya. Bumalik akong muli sa pagkanta, na iyon naman talaga ang first love ko. Maraming salamat sa binigay nilang pagtitiwala sa akin,” sabi pa ni Regine Velasquez. “Magsisimula na rin ako ng first album ko sa Star Music, abangan niyo iyan. ‘Reginified’ album Ang soon to be released under Kapamilya premier musical label,” dagdag pa nito.