September 20, 2024

VETERAN JOURNALIST MELO ACUNA PATAY SA COVID-19

Pumanaw ang beteranong mamamahayag na si Carmelo “Melo” Acuna dahil sa komplikasyon na nagmula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19 ngayong Biyernes ng umaga, ayon sa kanyang asawa.

Nasawi si Acuna sa edad na 64.

“My husband Melo Acuna joined his creator today at 2:30 a.m. Please pray for the eternal repose of his soul,” saad ni Ma. Jhona Acuna sa personal Facebook page ng naturang journalist.


Bago pumanaw, nag-anunsiyo pa si Acuna sa kanyang Facebook account na siya at ang kanyang misis ay kasama sa 12,067 cases na naitala ng Department of Health (DOH) noong Martes at humihingi ng tulong para makuha ang telephone number ng Quezon City General Hospital.

Isang araw ang nakalilipas humingi siya ng panalangin upang mapataas ang antas ng oxygen sa 99 o para madala siya sa intensive care unit ng hospital. Ayon sa kanyang asawa na hindi na naging maganda ang kondisyon ni Acuma noong Huwebes.

Wala pang ginagawang arrangement ang pamilya para sak anyang memorial service.