May 15, 2024

ARCI MUÑOZ, DINALAW SI SEN. MANNY PACQUIAO SA L.A

Dinalaw ng aktres na si Arci Munoz si Manny Pacquiao habang nagbabakasyon siya sa Los Angeles. Naisipan ito ng aktres para suportahan ang Pambansang Kamao.


Bukod sa pagdalaw, may pasalubong din siya sa ‘Fighting Senator”. Ito ay mga ulam o putaheng Pilipino. Siya mismo ang nag-effort na lutuin ito.


Kabilang na rito ang tinola, binakol at binagoongan.


” Yehey, back in L.A and I’m cooking. This one I cook tinola. It’s kinda binakol because I used Buko. I cooked this for Sen. Pacquiao. Because they said it’s his favorite. So we brought this earlier to his house,”
post ni Arci sa kanyang Instagram account.