Sa kanyang 36 na taon karanasan sa bank institution, nahalal si Jose Arnulfo ‘Wick’ Veloso bilang president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS) ng Board of Trustees sa idinaos na special board meeting.
“Matapos ang tatlong dekada sa pagtratrabaho sa mga banko, ngayon na siguro ang panahon upang gamitin ko ang aking natutunan sa international finance at banking upang makapag-ambag para nilalayun nating nation building,” pahayag ni Veloso (na iniliwat na sa wikang Filipino).
“I now carry the responsibility of making sure that the retirement benefits of government employees are well managed,” dagdag nito.
Sa idinaos na turnover ceremony sa GSIS Headquarters sa Pasay City, mainit na tinanggap si Veloso ni outgoing GSIS chief Rolando Ledesma Macasaet,GSIS executives at mga employees.
Si Veloso ay president at chief executive officer (CEO) ng Philippine National Bank (PNB) nang ma-appoint sa GSIS. Sa kanyang pamamahala sa PNB, kinilala ito ng Asian Banker bilang “Best Managed Bank” dahil sa katangi-tanging pangangasiwa’t pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2020. Napasama rin ito sa nanomina bilang “Best CEO” sa idinaos na Asian Banker’s annual Leadership Achievement Awards.
Bago pangasiwaan ang PNB, na-appointed siya bilang unang Pilipinong CEO ng HSBCPhilippines noong 2012. Nahalal din siya bilang president ng Bankers Association of the Philippines (BAP) hanggang Marso 2022, sapol nang umupo siya bilang director noong 2015.
Kung saan, tumulong siya sa paglatag ng alituntunin at regulasyon kasama ang Banko Sentral ng Pilipinas; gayundin sa mga mambabatas sa senato at kongreso; kung saan nililinang ang maayos at epektibong pagpapatupad ng serbisyo ng mga banko; maging ng kanilang kontribusyon sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Si Veloso ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Commerse Major in Marketing Management sa De La Salle University Manila noong taong 1986.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna