Bagsak sa kulungan ang isang vendor matapos bintahan ng baril ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang naarestong suspek na si Demil Duque, 40 ng No. 126 Cabulusan Dos, Caloocan City.
Ayon kay PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant na nagbebenta umano ng baril ang suspek.
Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PCAPT Melito Pabon, kasama ang 4th MFC RMFB ang buy bust operation sa harap ng bahay ng suspek dakong alas-4:30 ng hapon kung saan nagawang makipagtransaksyon sa kanya ni PSSg Jikko Duncil na nagsilbi bilang poseur-buyer ng P2,000 halaga ng baril.
Matapos matanggap ng back up na si PSSg Joseph Inocencio ang pre-arrange signal mula sa poseur-buyer na hudyat na tapos na ang transaksyon ay agad itong lumapit saka inaresto nila ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 38 revolver, anim na bala, buy bust money dalawang pirasong P500 bills at dalawang pirasong P500 boodle money.
Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 at paglabag sa Omnibus Election Code (Gun Ban).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA