January 23, 2025

Utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross, gobyerno ang umayos

Magandang araw mga Cabalen. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Muli na naman tayong hihimay ng mga ilang paksa sa ating bayan.

Isa na rito ang ginawang hakbang ni Pangulong Duterte, na sasagutin muna ng gobyerno ang utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross.

Malaki ang utang ng ahensiya sa PRC. Para di malagay sa balag ng alanganin ang serbisyo nito, minabuti ng Pangulo na akuin na ang atraso nito.

Sa gayun ay hindi malagay sa alanganin ang serbisyo ng Red Cross sa ating mga kababayan. Lalo na nga’t nasa panahon tayo ngayon ng matinding hamon ng buhay. Para hindi tuluyang itigil ng Red Cross ang COVID- testing.

‘Yan nga ay sa pagharap natin araw-araw sa COVID-19. May utang na 800 milyon ang ahensiya sa Red Cross at mahirap raw singilin sa isinagawang testing nito.

‘E papaano nga naman kasi mga Cabalen, ‘e may nangyayaring anomalya pala sa ahensiya. Tumbok naman siguro ninyo kung ano iyon, di po ba? Tiniyak naman ng Pangulo na mababayaran ng kalahati ang utang ng PhilHealth— na umaabot sa hyalos 1 bilyon.

Dito natin nakikita na talagang may puso ang Pangulo. Sinasalo ang gusot at problema. Tiwala naman ang Pangulo na hindi maapektuhan ang serbisyo ng Red Cross dahil sa nangyari. Dapat lang magtulungan at mag-unawaan di po ba?

Isantabi muna ang anumang interes. Ang mahalaga ay ang mapagbigay ng serbisyo ng wala munang kapalit. Kasi, maibibigay naman ng kinauukulan ang dapat. Ang para kay Juan at ang para kay Pedro.

Tiwala naman tayo na mababayaran ng PhilHealth ang utang nila sa Red Cross. Di po ba spokesman Rey Baleña?

Kaya, saludo tayo sa Palasyo sa ginawa nilang hakbang para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.