INILUNSAD ng pamahalaan ng United States ang Philippines Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans and Landscapes (SIBOL), isang P1.1 bilyon (US$22 million) project na susuporta sa pagpapanatili ng pamamahala sa mga likas na yaman ng bansa at labanan ang krimen sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), ang naturang limang taon na proyekto ay magbibigay ng suporta sa pamahalaan ng Pilipinas upang makamit ang mga layunin nito sa pagpapabuti ng pamamahala sa likas na yaman at pasiglahin ang pambuliko at pribadong pamumuhunan, na humahantong sa higit na katatagan ng ecosystem at kabilang ang green growth.
Ang implementasyon ng SIBOL ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng USAID at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ayon kay Lawrence Hardy II, Mission Director ng USAID Philippines, na ang epektibong pamamahala sa pangangalaga at pagsukat ng halaga ng likay na yaman ay nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya at pagiging matatag ng Pilipinas.
“Through SIBOL, USAID is pleased to support the Philippines’ efforts to conserve the country’s rich biodiversity while improving the livelihoods of Filipinos whose incomes depend upon these natural resources,” dagdag ni Hardy.
Welcome naman para kay DENR Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Juan Miguel Cuna ang kanilang pakikipagtulungan sa USAID, kung saan nabanggit nito ang kahalagahaan ng pagtitiyak sa integridad ng ecosystem at kaligtasan ng tao na kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng departamento. “We look forward to partnering with USAID in advancing our goals of environmental sustainability and strengthening DENR’s capacity to combat environmental criminals, enhance the adaptive capacities of communities against natural disasters, as well as improve the economic conditions of affected local people,” ayon kay Cuna.
Papangunahan ng U.S.-based nonprofit organization RTI International ang implementasyon ng SIBOL project, na itinaguyod sa tatlong dekada nitong karanasan sa pagbibigay ng tulong teknikal, pagpapalakas ng institusyonal, suporta sa programa, at pananaliksik sa iba’t ibang bahagi ng sektor sa Pilipinas.
Ang iba pang binubuo ng consortium kasama ang RTI ay ang Center for Conservation Innovations, Forest Foundation Philippines, Internews, Zoological Society of London, at ang Resources, Environment, and Economics Center for Studies (REECS).
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur