May 11, 2024

Clinical trial para sa Anti-Flu ng Japan, gagawin sa Pilipinas

PINANGALANAN na ng  Department of Health ang apat na ospital para sa gagawing clinical trial sa gamot na Avigan,  isang anti-flu drug na mula sa Japan.

Ang nasabing gamot ay pinaniniwalaang makatutulong  upang matamot ang mga pasyenteng may corona virus disease o Covidb19.

Ayon kay  Health Undersecretary and Spokesperson, Dr. Ma Rosario Vergeire, ang pagdarausan ng clinical trial para sa Avigan ay ant Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.

Tatagal aniya ng  siyam na buwan  Avigan clinical trial, na nangangailangan ng 100 pasyente.

Niliwanag ni Vergeire na hindi kuwalipikado sa clinical trial ang may suliranin sa puso.